ValTrace contact tracing app, ok na rin gamitin sa Mandaluyong

Share this information:

Magagamit na rin sa lungsod ng Mandaluyong ang ValTrace contact tracing QR codes ng Valenzuela City, na naglalayong matukoy ang mga indibiduwal na posibleng positibo sa sakit na COVID-19 kung saan nauna na rin itong konektado sa Pasig at Antipolo.

Nabatid na nakapirma na sa Contact Tracing Network Consortium Agreement ang ValTrace ng Valenzuela City, PasigPass ng Pasig City, Bantay COVID-19 ng Antipolo City at MandaTrack ng Mandaluyong City.

Hindi na kailangang mag-download ng hiwalay na QR code para sa apat na lungsod dahil ang mga QR code na nakarehistro at ginagamit sa isang lungsod ay maaaring magamit sa naturang mga lungsod na kasama sa kasunduan.

Sinimulang ipatupad ng Valenzuela noong Oktubre 05, 2020 ang ValTrace QR code, na napatunayang mahusay at mabisang paraan ng pagtingin sa mga COVID-19 exposures at mga contact ng isang pasyente.

Kailangan ang lahat ng mga mamamayan, maging ang hindi residente ng lungsod, ay may sariling ValTrace QR codes na magagamit nila sa pagpasok sa mga establisimiyento.

Ginagamit na rin ng Valenzuela ang ValTrace QR codes para sa kanilang VCVax COVID-19 vaccination registration.

Ang Valenzuela ValTrace ay isinama sa PasigPass ng Pasig City noong Disyembre 07, 2020 at sa Antipolo City Bantay COVID-19 na epektibo noong Enero 10, 2021, habang nakakonekta ito sa MandaTrack ng Mandaluyong City nitong Marso 1.

Inaasahan ng mga lokal na punong ehekutibo ng mga lungsod na mas marami pang local government units ang sasali sa digital contact tracing solution sa pamamagitan ng paggamit ng QR codes.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

SBMA to impose maximum fine for quarantine violation

Sat Mar 6 , 2021
SUBIC BAY FREEPORT–The Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) said it will not hesitate to impose maximum penalties for any violation of health and safety protocols at the port. In a statement, the SBMA said it will fine a shipping agency in Olongapo City after a disembarked foreign seaman sponsored by […]

Follow Us

%d bloggers like this: