“Vaccination is the solution to the nation”

Share this information:

Ito ang sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa press briefing  kaugnay ng isinagawang symbolic roll out ng vaccination program ng gobyerno ngayong umaga sa Philippine General Hospital (PGH).

Kaugnay nito, pinasalamatan ng alkalde ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng liderato rin ni vaccine czar secretary Carlito Galvez Jr. dahil sa Maynila ginawa ang kauna-unahang pagbabakuna laban sa COVID-19.

Ikinatuwa  rin ng alkalde dahil sa PGH na siyang sentro ng good quality  public health care sa ating bansa ginawa ang vaccination roll out.

Aniya ang liderato ng PGH ay nagbibigay inspirasyon para sa pamahalaang lungsod kung saan namuno sa pagbabakuna si PGH Director Dr. Gerardo “Gap” Legaspi.

Sa pamamgitan aniya nito, naniniwala ang alkalde na makakatulong ito para sa kapwa Manilenyo na  magdesisyon sa mga susunod na araw.

“Si DG Domingo na director ng FDA (Food and Drug Administration) na siyang nagsertipika sampu ng kanyang kasama na propesyunal, sinertipikahan yuong Sinovac as safe at nakakuha ng EUA (Emergency Use Authorization), siya mismo ang nagpabakuna sa sarili niya rin,” paghihikayat pa ni Domagoso.

Ito rin aniya ay makakatulong upang maibsan ang pag-aalala at pang-unawa ng publiko hinggil sa bakuna na CoronoVac ng Sinovac.

Ayon pa kay Domagoso, naniniwala ito sa sistema dahil ginawa aniya ng FDA ang kanilang trabaho.

Pinaalala naman ni Domagoso sa mga  health workers ng PGH na kulang ang suplay sa buong mundo, kaya huwag nang  sayangin ang oportunidad na mabakunahan  upang madagdagan ang panlaban sa katawan sakaling magkaroon ng infection.

PInasalamatan din ng alaklde ang gobyerno ng China sa donasyong ipinagkaloob na libreng bakuna sa Pilipinas.

Kaugnay nito, sinabi ni Domagoso na magbibigay na rin ang Departmemnt of Health (DOH) ng share na bakuna sa mga local hospital sa Maynila.

Umaasa naman ang alkalde na maraming pang doktor at nurses na papayag na magpabakuna ng Sinovac.

“Ating mga doktor at nurses, mahal namin kayo dahil kailangan namin kayo  o kailangan namin kayo dahil mahal namin kayo..parang pelikula lang yan, pero ang  katotohanan..kidding aside, kayo ang pinakamahalaga sa laban na ito,” ayon pa kay Domagoso.

“Kaya if we can protect you immediately as soon as possible,  let’s do it, let’s believe that good things will come to us,” dagdag pa ng alkalde.

Sinabi ni Domagoso na balang araw makakaraos din ang lahat, isang bansa, isang diwa sama-sama walang away-away dahil dumating na ang pag-asa, ang bakuna.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

No price tag for Sinovac jabs

Mon Mar 1 , 2021
UNQUANTIFIABLE is how a top Malacañang official described the cost of 600,000 doses of Sinovac COVID-19 vaccine that the Chinese government donated to the Philippines. At the Philippine General Hospital (PGH) where the legal vaccine shot was conducted marking day one of the government’s mass inoculation, presidential spokesperson Harry Roque said […]

Follow Us

%d bloggers like this: