Breaking News

Share this information:

KASUNOD ng apela ng Department of Health (DOH) sa mga local government units kaugnay sa vaccination card, isang pagtitiyak naman ang ibinigay ni Manila Mayor Francisco Domagoso na hindi mapepeke ang iniisyu ng Manila LGU na vaccination card sa mga fully vaccinated na kontra COVID-19.

Ayon sa alkalde, ang Manila LGU ay may ginagawang paraan na upang hindi mapepeke ang vaccination card.

Modesty aside Manila has the most effective vax passport na hindi mapepeke because it’s inside a close loop system instead of a physical card na pwede i-print kahit saang printer. We will stay in that course based on plan. But no worries if there will be challenges later, we will innovate.” ayon kay Domagoso.

Sa ngayon kasi ay hinihintay pa ang iisang sistema o format para sa vaccination certificate na ginagawa ng Department of Information Communications Technology o DICT.

Ayon kay Mayor Domagoso, may unique QR Code ang bawat vaccination card ng bawat babakunahan kaya hindi basta-basta ito napepeke o nagagaya. 

Ang vaccination card ng Manila LGU ay hindi physical card  at makikita lamang online o sa pamamagitan ng manilacovid19vaccine.ph.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: