Breaking News

Share this information:

BREAKING

LABIS na ikinagalak ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Rueda Acosta ang pagbasura ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) sa kauna-unahang kaso ng ‘terorismo’ laban sa dalawang katutubong aeta sa ilalim ng kontrobersyal na Anti-Terrorism Law na ipinatutupad sa bansa.

Ayon kay Acosta, ang kawalan ng sapat na ebidensya ang dahilan sa pag-dismissed ni Presiding Judge Melani Fay Tadili ng Regional Trial Court Branch 97, sa inihaing reklamo laban kina Japer Gurung alyas “Ka Jepoy” at Junior Ramos alyas “Ka Jaypee”.

Tumatayong abogado nina Gurung at Ramos kaugnay sa kaso ay ang PAO-Olongapo City sa pangunguna ni Atty. Collins Coloma.

Ayon sa desisyon ng hukom, nabigo ang prosekusyon na patunayan ang mga akusado na nilabag ang Section 4 ng Republic Act 11479 o ang Anti-Terrorism Act.

Pinaliwanag din ng hukom na ilegal ang pagkakadakip sa dalawang akusado at dahil dito ay idineklara din na imbalido ang ginawang paghalughog ng militar sa mga akusado na nakumpiskahan ng ibat ibang armas kaya ng shotgun, granada at mga gamit sa pag-asembol ng bomba.

Sinabi pa ng hukom na dahil walang ebidensiya na magpapatibay na nilabag nila ang ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act o ang PD 1866 na inamyendahan ng RA 9156.

Buwan ng Agosto ng 2020 nang dakpin ng mga sundalo sina Gurung at Ramos makaraang akusahang mga miyembro ng teroristang New People’s Army (NPA) at napag bintangang nasa likod ng pagkakapatay sa isang sundalo sa nangyaring engkuwentro sa lalawigan ng Zambales.

Hindi umano “consistent” ang pahayag ng mga sundalo at mga testigo, na nagsasabing nakita nila sina Gurung at Ramos sa nangyaring bakbakan kaya naman tinawag na “profiling” at isa lamang “afterthought” para masabing sila ay positibong nakilala.

Panawagan ni Acosta sa pamunuan ng militar na sundin ang desisyon ng korte kasunod ang pahayag na hindi kailanman bumibitaw ang mga abogado ng PAO hanggat hindi nabibigyan ng hustisya ang sinumang napagkaitan nito.

Dahil naman sa pasya ng korte ay ini-utos na rin sa Bureau of Jail, Management and Penology (BJMP) ang pagpapalaya kina Gurung at Ramos.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: