Transwoman naging pandemic hero ng Laguna

Share this information:

Dahil sa sunod- sunod na dagok na problema sa ating bansa lalong dumami ang mahihirap.Marami ang nanaghoy at  humihingi ng tulong sa ating gobyerno maging sa ilang indibidwal na bukas palad na tumulong sa ating mga kababayan.

Umalingawngaw sa social media ang pangalan ni Nancy Dimaranan o sa tunay na buhay ay Rodrigo Maranan.Isang trangender na naghahatid ng tulong mula pa noong pagsabog ng Bulkang Taal hanggang sa dumating ang nakamamatay  na sakit  na Corona Virus na lubos na nakaapekto sa buong mundo.

Naisip ni Nancy na tumulong sa kapwa na walang hinihintay na kapalit.Galing sasariling bulsa ang kanyang pinamimigay sa kapwa na lubos na nangangailangan.Dahil dito ,binansagan siyang “Pandemic Hero” ng Calamba.Ngunit kahit saang lugar sa bansa ay nakarating na ang kanyang tulong maging sa iba’t-ibang lugar sa CALABARZON na umabot din minsan sa  Sultan Kudarat.

Marami ang nagsasabi na tatakbo siya sa pulitika kaya niya ginagawa ang pag-iikot. Marami ding  nag-uudyok  sa kanya ngunit ito’y kanyang tinanggihan.Bagkus ang kanyang katwiran ay “Maaaring namang tumulong sa kapwa kahit wala ka sa pwesto sa gobyerno” ani ni Dimaranan.

Itatayo niya ang isang foundation para sa mga matatanda na walang kakanlong.Walang mauwiang tahanan .Tatatawagin niya itong Pandemic Hero Foundation Inc.na magsisimula sa lalong madaling panahon.

Matapos man ang pandemya sa mundo,patuloy pa rin ang kanyang magiging pagtulong sa mga higit na nangangailangan.

Maging kabilang sa LGBT community ay kanyang isasama pati na rin ang mga kababaihan at mga bata.

Nais niyang maisakatuparan ang lahat ng ito sa tulong ng mga gusto ding  tumulong din sa ating mga kababayan.

Palalawakin at pauunlarin pa ang lahat ng ito sa buong bansa. Dahil hindi  sukatan o hadlang ang  kasarian ng isang taong na handang tumulong  sa kapwa ng wagas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Make summer a chill-out season with Century Park Hotel's bucket specials

Fri Feb 26 , 2021
Summer’s almost here! Though going out to have fun under the sun is still largely limited with the quarantine, it doesn’t mean you can’t have a grand time this summer. Beat the heat and make this year’s summer a true chill-out season for the loved ones or the friendship squad […]

Follow Us

%d bloggers like this: