Training sa gun safety at marksmanship, gawing regular — PNP Chief

Share this information:

IPINAG-UTOS ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar na gawing regular ang pagsasanay sa gun safety at marksmanship para sa lahat ng mga police uniformed personnel.

Ito ay bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mas lalo pang mapaghusay ang kasanayan sa pagbaril lalo na ang mga on-ground police units.

Tinuran ni PGen Eleazar na ang pagmamay-ari at pagdadala ng service firearm araw-araw ay may kaakibat na responsibilidad gaya ng kung kailan lamang ito nararapat gamitin at kung paano bumaril nang maayos.

As part of the continuous efforts to further improve our operational capability and professionalize the PNP, I have already tasked the PNP Training Service to conduct regular refresher course on gun safety and marksmanship training for all our uniformed personnel,” ayon kay PGen Eleazar. 

Dagdag niya “Bilang bahagi ng ahensya ng pamahalaan na pinagkakatiwalaan at binigyan ng kapangyarihan ng taumbayan na magdala ng baril araw-araw, nararapat lamang na tiyakin natin na ang konsepto ng responsible gun ownership ay nasa puso at isip ng ating mga pulis at kabilang  dito ang sapat na kasanayan sa paggamit nito para maiwasan ang mga aksidente at matiyak na sulitin ang tiwala ng ating mga kababayan na gagamitin ang aming service firearms sa tamang dahilan.”

May mga kaso nang naitala kung saan ang ilang mga tauhan ng PNP ay nasugatan o namatay dahil sa aksidenteng pagputok ng mga service firearms. 

Sinabi ni PGen Eleazar na bilang bahagi ng pagsusulong sa responsableng paghawak ng baril at para sa mga sibilyan na nais magkaroon ng baril, ang pamantayan sa kaligtasan ng paggamit ng baril at kasanayan sa pagbaril ay dapat na mas higit para sa mga tauhan ng pulisya.

Ayon kay PGen Eleazar “Kasabay ng kautusang ito ay ang pagtitiyak na sapat ang supply ng mga kagamitan para sa pagsasagawa ng marksmanship training sa aming hanay at patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga local and foreign counterparts para sa mga makabagong istratehiya ng pagsasagawa ng law enforcement operations.”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.