Breaking News

Share this information:

LAGUNA – NATIMBOG sa isinagawang manhunt operation ang isang lalaki na tinaguriang Top 1 Most Wanted criminal sa Pagsanjan, Laguna kahapon.

Tinukoy ni Laguna Provincial Police Office (LPPO) Director Police Col. Serafin Petalio II ang suspek bilang si Christopher Pranada Lambuson, 44, magsasaka ng Barangay Maytalang 2.

Nadakip ang suspek matapos magsagawa ng operasyon ang Lumban Municipal Police Station sa pangunguna ni Capt. Jose Mari Pena kasama ang Pagsanjan Municipal Police Station bandang alas 1:30 ng hapon ng Enero 15.

Inihain ang warrant of arrest sa suspek na pirmado ni Hon. Josephine B Nichols ng 4th Municipal Trial Court, Lumban- Kalayaan Lumban, Laguna nitong February 12, 2020 para sa kasong Acts of Lasciviousness.

Nakapiit na sa Lumban Police detention cell si Petalio.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: