Tatlong Korean national na lider ng sindikato online, nalambat ng BI

NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong puganteng South Koreans na most wanted at binansagang mga leader ng sindikato na nag-ooperate sa online at nambibiktima ng marami nilang kababayan.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga suspek na sina Jung Myunghun, 38 anyos, umano’y Top Leader ng sindikato; Yu Daewoong, 38 anyos, at Kang Wesung, 36 anyos, na kabilang din sa mga leader ng sindikato na naaresto sa isinagawang operasyon ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI, sa pakikipagtulungan ng Criminal Investigation and Detection Group Major Crimes Investigation Unit (CIDG-MCIU) sa Paranaque at Pantabangan, Nueva Ecija.

Itinuring ni Morente ang tatlo na high profile na mga pugante na matagal nang pinghahanap ng mga awtoridad sa Korea at ng Interpol.

Sinabi ni BI FSU Chief Bobby Raquepo na humingi ng tulong ang mga awtoridad ng Korea sa BI para mahanap at maaresto ang tatlo.

Base sa record, simula July 2014, pinasok ng mga suspek ang online scam sa pamagitan ng paga-upload at pag-advertise ng mga second hand na mga produkto at humikayat ng kanilang mga naging biktima, gayunman, wala naman ang nasabing mga produkto na umabot sa 10 billion won, o US$9 million ang nakuha nila sa kanilang mga biktima.

They will be deported to face the cases against them in Korea, and their names shall likewise remain in our blacklist, which effectively bans their re-entry in the country,” ayon sa BI Chief.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.