Breaking News

Share this information:

SHOOT sa kulungan ang tatlong drug personalities sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Engineer Palisoc, 39 anyos, (pusher/identified), Sonny Reyes, 47 anyos, (pusher/identified), at Romulo Villaester, 32 anyos, (user/identified).

Sa imbestigasyon ni PSSgt. Jerry Basungit, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt, Alexander Dela Cruz ng buy-bust operation sa Sanchez St., Brgy. Tinajeros kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransakasyon ng P500 halaga ng droga kay Palisoc at Reyes.

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba, kasama si Villaester, na nakuhanan din ng hinihinalang shabu.

Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P34,000, at buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: