Tatlo katao, todas sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa Iloilo

DEDBOL ang tatlong indibidwal makaraang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa national road ng Barangay Jibolo, bayan ng Janiuay, Iloilo.

Batay sa paunang impormasyon mula sa pulisya, kabilang sa mga nasawi ay ang rider na si Joem Benedicto, 21-anyos, at ang angkas nitong pinsan na si Marlon Gonzales, 22-anyos, na residente sa lugar.

Nasawi rin ang rider na nakabanggaan ng magpinsan na si Norman Gajo, 41-anyos.

Lumabas sa pagsisiyasat na nag-overtake ang motorsiklo na minamaneho ni Benedicto at paglipat nito ng linya ay bumulaga sa kanya at nakasalpukan na ang motorsiklong minamaneho ni Gajo.

Nabatid naman mula kay Police Captain Alwyn Salmon, hepe ng Janiuay Police, batay sa salaysay ng mga saksi, ay mabilis ang pagpapatakbo ni Benedicto nang mag-overtake sa sinusundang traysikel.

Nagtamo ng matinding mga sugat sa ulo ang tatlo na dahilan ng kanilang pagkamatay.

Nagpapatuloy pa ang pag-iimbestiga ng pulisya sa insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.