Suspek sa pagpatay sa anak ng ahente ng NBI, arestado

HINDI na nakawala sa kamay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek sa pagpatay sa anak ng isang ahente ng ahensya noong nakaraang taon sa Baguio City.

Iprinisinta ng NBI kaninang umaga ang suspek, si John Michael Serrani Garcia, na inaresto ng mga tauhan ng NBI sa Malolos City, Bulacan matapos ang ilang buwang pagtatago sa batas.

Ayon kay NBI Director Judge Jaime Santiago, Nobyembre 24, 2024, bandang ala-1:30 ng madaling araw nang barilin ni Garcia si Luke Maraneg sa Happy Homes, Barangay Ferdinand, Baguio City.

Matapos ang insidente ay nagpalipat-lipat ng lugar na pinagtaguan ang suspek base sa technical survellaince.

Subalit sa pagsisikap at intelligence gathering ng mga miyembro ng binuong task force para sa kaso ay natunton ang kinaroroonan ng suspek noong Pebrero 14 sa Bulacan sa pamamagitan ng technical surveillance.

Agad namang nagsagawa ng physical survellaince ang mga ahente ng NBI-PAMDO (NBI- Pampanga District Office) at nakumpirma ang tamang lokasyon ng suspek sa loob ng apartment ng kanyang tiyahin sa Purok Wakas, Barangay Mambog ,Malolos City, Bulacan kung saan siya naaresto.

Kasalukuyan nang nakadetine sa NBI-PAMDO ang suspek habang hinihintay ma-release ang commitment order mula sa korte.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.