Suspek sa ‘hit and run’ sa Quezon, sumuko

CAMP GEN. NAKAR, Lucena City – Sumuko na ang nagtagong driver na suspek sa ‘hit and run’ sa isang sundalo sa lalawigan ng Quezon.

Personal na nagtungo mismo ang 48 anyos na si Jessie Asesor, 48, may-asawa at residente ng Purok Mangga 1, Barangay Crossing, kay Police Col. Audie Madrideo, ang Provincial Police Office Director ng Quezon.

Matapos takbuhan ang biktimang si Corporal Arnel Ricamara ,41 anyos, aktibong sundalo ng Philippiine Army at residente ng Barangay San Roque, Catanauan, Quezon.

Nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya at natagpuan ang sasakyan na ginamit sa McKinley Hill, Makati City pasado alas 3 ng hapon kahapon  Oktubre 9.

Sakay si Ricamara ng kanyang Yamaha motorcycle na may plate No.6150 WL patungo sa direksyon ng Norte habang nakasalubong naman sa kabilang linya ng kalsada ang Foton Van na may Plate NO.NEF 1300 na minamaneho ni Asesor.

Nagkasalpukan ang dalawang sasakyan na siyang ikinamatay ni Ricamara dahil sa tindi ng pinsalang tinamo nito sa kanyang sa ulo at katawan.

Tumakas si Asesor matapos ang pangyayari dahil sa matindi umanong takot.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.