Suspected drug pusher, nanlaban sa buy-bust, napatay ng mga pulis

Share this information:

Isang hinihinalang drug pusher ang patay nang manlaban sa mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Port Area, Manila kahapon ng madaling araw.

Dalawang tama ng bala sa dibdib ang ikinamatay ng suspek na nakilala lang sa alyas na “Popoy,” nasa edad na 35 hanggang 40-anyos, may taas na 5’5” at nakasuot ng kulay gray t-shirt at maong na pantalon.

Batay sa ulat ni PSSgt. Ross Cunanan ng Manila Police District (MPD)- Homicide section, nabatid na dakong 2:50 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng MPD- Police Station 13 sa Block 15 – B,  Baseco Compound, Port Area matapos na makatanggap ng tip hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek.

Gayunman, sa kasagsagan ng transaksiyon ay nakahalata ang suspek na pulis ang ka-deal sa shabu kaya’t bumunot ito ng baril at nanlaban.

Naunahan naman siya ng nakaalertong pulis at kaagad na nabaril sa dibdib, na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Narekober ng mga awtoridad mula sa suspek ang P500 marked money, dalawang sachet ng hinihinalang shabu at isang .38 kalibre ng baril.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Fil-Am Jordan Clarkson scores 40 in Jazz win

Tue Feb 16 , 2021
Off the bench, 6th Man of the Year frontrunner Jordan Clarkson scored an impressive 40 points in just 29 minutes to lead the Utah Jazz to a 134-123 win over the Philadelphia 76ers. Fil-Am Clarkson made eight shots from the 3-point line, the most by a player in Jazz history. […]

Follow Us

%d bloggers like this: