“Supply ng oxygen sa bansa sapat” – DOH

SAPAT pa ang suplay ng mga oxygen sa bansa para sa mga nangangailangan nito na mga pasyente ng COVID-19.

Sa virtual media forum ng Departmemnt of Health (DOH) sinabi ni Health  Usec Maria Rosario Vergeire  na sa kasalukuyang suplay ng oxygen  sa bansa  kahit may pagtaas ng kaso ay may sapat pa namang suplay.

Gayunman, ayaw aniyang magpakampante ang gobyerno kaya naman mahigpit nang nakikipag-ugnayan ang Department of Trade  and Industry (DTI)  sa mga manufacturers sakaling biglang may pagtaas ng kaso na kinakailangan ng oxygen.

Ayon kay Vergeire, may tatlong manufacturer na nagpoproduce ng oxygen sa bansa at ito ay sa Taguig, Cebu at Calamba.

Sa ngayon aniya ay sapat pa naman ang suplay ng oxygen sa bilang ng mga kaso.

Batay sa isinagawang survey ng DOH sa mag ospital sa NCR plus  sa 1,221 hospital na nahingan ng datos, 3 o .25% ang naiulat na may shortage isang beses sa isang araw; 15 o 1% reported shortage isang beses sa isang linggo; 63 o 5% reported shortage isang beses sa isang buwan at 77.75% o 943 ang naitalang walang shortage o kakulangan ng suplay ng oxygen sa buong araw o linggo .

Sa mga infirmaries na nagsumite ng datos , mula sa 546  ay dalawa o .37%  ang repored shortage isang beses sa isang araw; 19 o 3.48 % reported shortabe isang beses sa isang linggo  at 54 o 9.99% isang beses sa isang buwan  at 364 o 66%  ang hindi nakapagtala ng shortage sa suplay ng oxygen.

Ayon kay Vergeire, 14,000 oxygen tanks ang nagagamit kada araw sa buong bansa particular sa National Capital Region o NCR   na nasa 5,300 ang nagagamit.

Lahat aniya ng datos sa survey ay ipinmadala na sa DTI kung saan nakapagprisinta na sila sa IATF kaugnay sa pakikipag-usap nila sa tatlong malalaking pagawaan ng oxygen.

“Nakausap na nila yung tatlong malalaking gawaan o nagge-generate ng oxygen para s aating mga ospital dito sa Pilipinas “,

“May pag-uusap na on how we can generate more oxygen so that we can be ready and we can prepare our health system if incase and hopefully not na magkaroon tayo ng mas mataas na pangangailangan para sa oxygen”, pahayag pa ni Vergeire.

Sa reklamo naman ng isang ospital may isang buwan nang walang makuhang suplay ng oxygen, pinayuhan na makipag-ugnayan sa DOH upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.