Breaking News

Share this information:

Sumiklab ang sunog sa isang gusali ng Philippine General Hospital (PGH) sa Taft Avenue madaling araw ng Linggo.

Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa Operating Room supply area, na matatagpuan sa ikalong palapag ng Central Block Building ng PGH dakong alas 12:41 ng madaling araw.
.
Agad namang iniakyat sa ikalawang alarma ang sunog makalipas lamang ang labingwalong minuto o alas 12:58 at nakontrol alas 2:46 ng madaling araw.

Maagap namang inilikas ang mga pasyente maging ang mga sanggol habang inaapula ang sunog.

Wala ring iniulat na nasaktan sa naganap na sunog.

Inaalam pa ang sanhi at pinagmulan ng sunog sa heathcare building.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: