Sunog sa Las Pinas at Muntinlupa City, 3 patay

NASAWI sa sunog ang tatlong indibidwal kabilang ang isang 5- taong gulang na bata habang sugatan naman ang dalawa pa sa tatlong magkakahiwalay na sunog sa Las Pinas at Muntinlupa City.

Nangyari ang unang sunog sa Block 11, Lot 14, Camella Homes 1, Barangay Putatan, Muntinlupa City na ikinasawi ng magtiyuhin na sina Zozimo Asido, 73 anyos; at Maricel Asido, 56 dàkong alas 6:34 ng gabi ng Biyernes.

Ayon sa ulat ng Muntinlupa City Fire Station, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Catrina Asido sa mezzanine ng garahe ng dalawang bungalow type.

Bandang alas 7:17 ng gabi nang maapula ang sunog at dito natuklasang na-trap umano ang dalawa sa kanilang silid dahil paralisado si Zozimo na posibleng h nakayanang iligtas ng pamangkin na nasawi rin dahil sa suffocation.

May hinala na ang kandila sa altar na naiwang nakasindi ang sanhi ng sunog.

Sa panganlawang insidente ng sunog nangyari sa M. Santos Avenue sa Zapote, Las Pinas bago mag-alas 9:00 ng umaga Sabado (Nob. 21) kung saan nasunog ang 5-taong gulang na si Rian Cloud Bueno.

Habang nakaligtas naman ang nanay ng bata na si Mary Joy Abibas nang tumalon mula sa kanilang bintana.

Sinabihan umano ni Abibas ang dalawang anak na lumabas ng bahay pero ang 7-taong gulang lang ang nakaligtas dahil hindi umano sumama ang nakababatang kapatid kaya hindi na nakalabas sa nasusunog na bahay.

Nasa 25 kabahayan sa Guadalupe St, sa Fatima Subdivision àng nadamay dahil sa pawang yari sa light materials ang mga ito.

Nadamay ang nasa 25 pamilya sa sunog na pansamantalang nanunuluyan sa covered court ng Fatima Subdivision sa Zapote.

Iniimbestigahan ng Las Pinas Bureau of Fire Protection ang insidente na idineklarang fire-out alas 9:52 ng umaga.

Ikatlong insidente naman ay naganap dakong alas 10:30 ng umaga ng Sabado sa Block 7, Lot 2, Prime Rose Street, Talon Village, Talon Kuatro, Las Pinas City.

Batay kay FO1 Frederick Suriaga ng Las Pinas-Bureau of Fire Protection, sugatan ang residenteng si Lona Alesna, 49, na may second degree burn sa tuhod; habang ang isang Romulo Fuentes, 50, ay may laceration o hiwa sa ulo.

Patuloy pang inaalam ng arson investigator ang sanhi ng sunog.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.