Special elections sa ika-pitong distrito ng Cavite, gaganapin sa Pebrero 2023

ITINAKDA sa Pebrero 25, 2023 ang special elections sa ika-pitong distrito ng Cavite upang punan ang nabakanteng puwesto ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec spokesman Rex Laudiangco, automated elections ang gagamitin at handa ang poll body na mag-imprenta ng balota na automated.

Gagamit din aniya ng vote-counting machines sa nasabing botohan.

Ayon kay Laudiangco, ang mga kandidato ay maaari nang maghain ng kanilang certificate of candidacy sa Disyembre 5.

Samantala, ang plebisito na magdedesisyon kung ang munisipalidad ng Baliuag, Bulacan ay gagawing component city ay gaganapin mula Disyembre 17, 2022 hanggang Disyembre 24, 2022.

Inanunsyo rin ni Laudiangco na ang voter registration ay magpapatuloy sa Disyembre 12, 2022 at magtatagal hanggang Enero 31, 2023.

Sa Disyembre 9, 2022 naman magsisimula ang overseas voter registration hanggang Setyembre 30, 2024. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.