Nagkabati na umano sina Speaker Lord Allan Velasco at dating speaker Alan Peter Cayetano.
Sa kanyang naging pahayag sa pagbubukas ng sesyon sa plenaryo at unang araw bilang bagong upong speaker ng Kamara, sa harapan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang nagharap at nagkamay sina Cayetano.
Ayon kay Velasco, nagkaroon lamang umano ng hindi pagkakaunawaan na siyang ipinapaliwanag ni Cayetano kay pangulong Duterte.
Hindi naman nagtagal at natapos ang kanilang pakikipag pulong sa punong ehekutibo at dumiretso na si Velasco pabalik ng House of Representatives sa Batasan complex sa Quezon City para sa pinal na pagbasa sa panukalang pagpasa sa 2021 national budget na nabinbin dahil sa awayan sa speakership.
“Move on na tayong lahat para sa bayan at magkaisa na tayo para sa taumbayan.” pagtatapos ni Velasco.