Speaker Alan Peter Cayetano, nag-alok mag-resign pero ibinasura ng Kamara

Share this information:

PORMAL nang nag-alok ng pagbibitiw sa posisyon si House Speaker Alan Peter Cayetano ngunit ibinasura ito ng buong Mababang Kapulungan.

Sa botong 184 na pabor, 1 tutol, 9 nag-abstain, inaprubahan ng Kamara ang mosyon na nagbabasura ng pag-alok ni Cayetano na bumaba sa puwesto upang bigyang-daan si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Nauna rito, sa kanyang privilege speech ay inalok ni Cayetano ang pagbibitiw sa posisyon kasunod ng pakikipagpulong nito kina Pangulong Rodrigo Duterte at Velasco nuong Martes ng gabi upang maplantsa sana ang isyu ng Speakership.

“I will not be party to let the President down, so I am offering my resignation here and now to you my dear colleagues. My fate and the fate of the 2021 budget and the fate of the leadership of the House is in your hands,” pahayag ni Cayetano.

Makalipas ng ilang minuto ay tumayo si Anakalusugan partylist Representative Mike Defensor para tutulan ang resignation ni Cayetano sa pamamagitan ng pag-mosyon hinggil dito na sinegundahan ni

Bulacan Representative Jonathan Sy-Alvarado.

Sinundan ito ng viva voce voting ng mga mambabatas at pumabor ang mayorya na ibasura ang resignation ni Cayetano.

Gayunman, upang makatiyak na walang magiging pagdududa o makuwestyon ang desisyon ng Kapulungan ay inulit ang botohan sa pamamagitan naman ng nominal voting.

Velasco, hindi mananalo – Cayetano

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Cayetano na ang kanyang fearless forecast ay hindi mananalong Speaker si Velasco kung magkaroon man ng botohan. Sakali naman aniyang manalo sa botohan ay makukudeta ito kahit isang linggo pa lang sa pwesto.

“Under the Constitution, you need the majority of all members to be elected speaker. So I can step aside. But I can guarantee, he will not be elected. In fact, I will make a fearless forecast: Hindi siya mananalo. Or if I step aside, mananalo siya after one week makukudeta siya. Bakit? Maraming popular sa Kongreso,” ani Cayetano.

Samantala, inihayag din ni Cayetano na sa pag-uusap sa Malakanyang ay hiniling pa ni Pangulong Duterte na sa Disyembre na lamang gawin ang turn-over ng liderato ngunit paulit-ulit ding tumanggi si Velasco.

“The President repeatedly asked the Cong. Velasco to move the term sharing agreement to December so that Congress may be able to finish the budget. The President asked this not to give me a few months as speaker but because it was for the good of the country,” dagdag ni Cayetano.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.