Sikyu na ex-army, tiklo sa panghahalay sa isang menor de edad

Share this information:

Nadakip ang isang sikyu na dati umanong militar dahil sa reklamo ng panghahalay sa isang 10-taong-gulang na batang babae sa Brgy. Saba, Hermosa, Bataan.

Ayon sa ulat mula kay Police Major Melanio Santiago, hepe ng Hermosa Police, kinilala ang nadakip na si Danilo Lalin, 48 anyos, at nakatira sa nabanggit na barangay.

Naaresto ang suspek sa tulong nila Hermosa SB Member Councilor Luz Samaniego, Brgy. Saba Councilor Liza Tolentino at barangay health worker Maricar Valiente.

Nabatid sa imbestigasyon na simula pa ng taong 2017 ay ginagawan na umano ng suspek ng kahalayan ang biktima hanggang sa nitong Abril 20, 2021 ay muling gumawa umano ito ng kabastusan laban sa walang muwang na biktima.

Nakuhanan pa ang suspek ng isang baril at mga bala nito at isang fragmentation grenade.

Kasong Rape in relation to Republic Act 7610 o Child Abuse Law at R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act) ang mga kasong isinampa laban sa naarestong security guard. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.