Shabu na idineklarang mga dokumento, nasabat ng BOC at PDEA sa NAIA

ISANG outbound cargo na naglalaman ng hinihinalang “shabu” na idineklarang mga dokumento ang nasabat ng mga operatiba ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (NAIA), katuwang naman ang mga operatiba mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang kargamento ay orihinal na nagmula sa Muntinlupa City at patungo sana ng Italy nang makitaan ng mga kahina-hinalang bagay nang isinalang sa routine scamming procedures.

Nang inspeksyunin, natuklasan ang 20 sachet ng hinihinalang shabu na nakasilid sa loob ng pitong maliit na plastic pack  na may kabuuang 100 gramo at tinatayang may street value na P680,000.

Itinurn-over ang nakumpiskang droga sa PDEA para sa karagdagang imbestigasyon para sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa mga sangkot sa illegal trade na may kaugnayan sa paglabag sa  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at  Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.