MAGBIBIGAY ang Bureau of Immigration (BI) ng immigration services sa nalalapit na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, na gaganapin sa Leyte Normal University sa Tacloban City mula Agosto 2-3, 2024.
Kabilang sa immigration services na gagawin ay ang mabilis na access, kabilang ang tourist visa extensions, exit clearances, dual citizenship applications, at iba pang mga serbisyo, ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco.
Ang inisyatibo ay bahagi ng serbisyo ng Department of Justice (DOJ) para sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair upang mailapit ito sa mga tao.
Hinikayat din ni Tansingco ang publiko na samantalahin ang pagkakataong ito.
“We encourage everyone to visit the booths and utilize the services offered by the Bureau of Immigration and other government agencies,” ani Tansingco. “This event highlights the government’s commitment to transparency and accountability while also demonstrating our dedication to serving the public efficiently,” dagdag pa niya.
Ang nasabing hatid-serbisyo ay pang-anim na sa serye na ginagawa ng BI ngayong taon kung saan ginawa rin ito sa Zamboanga, Iloilo, Baguio, Batangas, at Cavite.