Selebrasyon ng ika-126 taon ng Araw ng Kalayaan sa Maynila, naging mapayapa at matiwasay

NAPANATILING maayos at payapa ang pagdiriwang ng Ika-126 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas na ginanap ng sabay sa Rizal Park sa lungsod ng Maynila at sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Umabot sa 1,600 kapulisan ang ipinakalat ng Manila Police District (MPD) at National Capital Region Police Office (NCRPO) para magbantay sa buong paligid ng Quirino Grandstand at sa mga karatig na lugar.

Sa Maynila, maagang sinimulan ang pagdiriwang kung saan pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang isang flag-raising at wreath-laying ceremony sa monumento ng ating Pambansang Bayani na si Jose Rizal.

Taglay ang temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan,” ang kaganapan sa taong ito ay sumasaklaw sa bagong tradisyon ng Bagong Pilipinas sa paggunita sa kalayaan ng bansa. 

Napakarami ding aktibidad at nakakaaliw na kaganapan ang inihanda sa Quirino Grandstand na nagpapakita ng pagdiriwang ng pamana at pagiging makabayan ng mga Pilipino.

Dumalo rin sa pagdiriwang ang mga opisyal mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, mga kinatawan ng iba’t-ibang bansa, gayundin si Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at iba pa.

(PHOTO CREDIT: Manila PIO Facebook page)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.