Sektor ng magsasaka, ikinatuwa ang imbestigasyon ng Senado sa smuggling

Share this information:

PINABUBUSISI ng sektor ng magsasaka sa Senado ang mga akreditasyon ng mga importer, smuggler, at broker  upang masawata ang patuloy na smuggling sa bansa, partikular ang mga produktong pang-agrikultura na inaasahang magiging in demand ngayong holiday season.

Sa isang forum, sinabi ni Pork Producers Federation of the Philippines Chairman at AGAP Partylist President first nominee Nicanor Briones na marami nang batas hinggil sa agrikultura ngunit hindi naman ito naipapatupad.

Sinabi niyang ang dapat nagpapatupad nito ay ang Bureau of Customs (BOC) at ang Department of Agriculture (DA) ngunit ayon kay Briones ay wala namang nangyayari dahil patuloy na nagpapabaya ang nasabing mga ahensya.

Natuwa at nagpapasalamat naman ang sektor ng magsasaka dahil nagpatawag ng pagdinig ang buong Senado bukas, Disyembre 14 upang maimbestigahan ang smuggling sa lahat ng produktong agrikultura.

Pinuna ni Briones na nagkalat pa rin ang smuggled na agri products sa mga pamilihan sa kabila na walang import permits pero wala pa rin ginagawa ang DA at BOC dahil hanggang ngayon wala namang nahuhuli at nakakasuhan na smuggler.

Ipinunto nito na ang batas na hindi naipapatupad na ginawa noong 2016, ang Anti Agricultural Smuggling Act, na nagsasaad na kapag nahuli na nag-i smuggle ng isang milyon halaga pataas ay may parusang pagkakakulong ng 17 hanggang 20 taon dahil isa itong “economic sabotage.”

Bukod dito non-bailable din ang pagpupuslit ng agri products, dagdag pa ni Briones.

Dapat nang mabulgar kung sino ang mga nag-ismuggle dahil maaari umanong iba o hindi totoong pangalanng ginagamit ng mga kompanya. 

“Lalabas kapabayaan din nila dahil ina-accredit nila yung mga kompanya…hindi nila tinitingnan kung totoong tao ang  may ari ng rehistro sa SEC (Securities and Exchange Commission). So , sa accreditation pa lang mukhang may problema na tayo, dapat yan ang busisiin ng  Senado bukas yung importers, smugglers, brokers kung yan ba ay mga totoong tao ang nasa likod ng kumpanya na nahulihan ng (mga) smuggling,” pahayag pa ni Briones.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Miss India is Miss Universe 2021; PH bet reaches Top 5

Mon Dec 13 , 2021
HARNAAZ Sandhu of India, a 21-year old actor and model, was crowned Miss Universe today (Monday morning in Manila) during the coronation night broadcast live from Eliat in southern Israel. She replaces last year’s winner Andrea Meza of Mexico. The country’s bet, Beatrice Luigi Gomez, managed to get to the […]
%d bloggers like this: