Siniguro ni Quezon City Police District (QCPD) District Director PBGen. Melecio Buslig, Jr ang kaligtasan at seguridad ng publiko sa pagdaraos ng Semana Santa sa lungsod.
Ayon kay Buslig, may mga hakbangin na inihanda ang QCPD matiyak ang seguridad ng milyong QCitizens na makakatulong na ligtas, mapayapa, at maayos ang kanilang paggunita ng Semana Santa.
Kaugnay nito, aabot naman sa 1,858 pulis ang ikakalat o itatalaga sa mga pangunahing lokasyon sa lungsod kabilang dito ang mga simbahan, mga hub at terminal ng transportasyon, mga pangunahing lansangan, mga komersyal na lugar, mga border control point (BCP), mga checkpoint sa pagpapatupad ng batas, at iba pang mga lugar ng convergence.
Higit pa rito, ang Task Force District Anti-Crime Reaction Team (TF-DART), bike patrollers, mobile at motorcycle units ay magsasagawa ng round-the-clock patrol sa mga lugar na kilala sa mga recreational activity, tourist spots, parks, at residential communities.
Hihigpitan din ang checkpoint operations para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng commuters.
“The observance of Semana Santa is a time for reflection and prayer, and it is our duty to help ensure that the public can do so in a safe and peaceful environment. We ask for everyone’s vigilance, cooperation, and adherence to safety reminders as we work together to keep Quezon City secure,” QCPD chief.