Breaking News

Share this information:

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ang isang lalaki na kabilang sa National Watch list on Illegal Drugs at High Value Individual (HVI) level 1 sa Barangay Angeles Z4, Tayabas City, Quezon.

Tadtad ng tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na nakilalang si Bryan Castillo Leonar alyas “Beauty”, 37 anyos, naninirahan sa Barangay San Diego Zone-4.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dalawang hindi kilalang lalaki na magka-angkas sa motorsiklo ang huminto sa tabi ng biktima habang ito ay naglalakad bandang alas 7:50 ng umaga.

Bigla na lamang pinagbabaril ng mga suspek ang biktima bago tumakas sa direksyon ng Pagbilao, Quezon.

Blangko pa ang pulisya sa motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: