Sandra Cam, anak at limang iba pa, pinakakasuhan na ng DOJ

Share this information:

MAY natukoy nang probable cause o sapat na batayan ang Department of Justice (DOJ) para kasuhan si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam at kanyang anak na si Marco Martin Cam kaugnay ng pagpatay kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III.

Batay sa paunang impormasyon mula sa DOJ, bukod sa mga Cam ay nasa limang indibidwal pa ang pinakakasuhan ng murder kabilang sina Nelson Cambaya, Junel Gomez, Bradford Solis, Juanito De Luna, at Rigor dela Cruz. Mahaharap din sila sa kasong frustrated murder dahil sa kasama sa mga nasugatan sa krimen ay si Alberto Alforte IV.

Magugunitang napatay sa pananambang sa Sampaloc, Maynila noong Oktubre 9, 2019 si Yuson habang naga-almusal.

Idinawit ng misis ni Yuson na si Lalaine ang mga Cam dahil natalo umano sa 2019 mayoral election sa Batuan si Marco Cam at nanalo ang anak ng yumaong bise alkalde na si Charmax Yuson.

Mariin namang itinanggi ng kampo ni Cam ang paratang.

It is so unfair that our family is being dragged into this, we’ve moved on from that election,” magugunitang pahayag noon ni Cam. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.