Sabayang deployment ng K9 narcotics detection unit, isinagawa ng PNP

Share this information:

ISINAGAWA ngayong araw ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) ang sabay-sabay na deployment ng sarili nitong Narcotics Detection Dogs o NDD.

Sampung K9 Dogs ang idedeploy kasama ang kanilang handler sa mga malalaking terminal at pantalan sa bansa.

Ginanap ang paglulunsad ng mga NDD sa Manila Harbor Center sa Tondo, Maynila.

Sa nasabing aktibidad, sinabi ni Col. Jean Fajardo, ang Deputy Director for Operations ng PNP-DEG, na partikular na babantayan ng kanilng narcotics dogs ang mga bus terminal at pier sa Region 1, 2, 3, 4-A, 5, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).

Sinabi nito sa sumailalim sa ilang taon ng pagsasanay ang mga K9 dogs kasama ang kanilang handler na miyembro rin ng pulisya para masigurong magagawa nilang matukoy ang ilegal na mga kontrabando.

Hindi lamang mga handler ang makakasama ng mga K9 dogs kundi may ilang mga imbestigador din mula sa PNP DEG.

Makakatuwang ng mga NDD ang ilan sa mga PNP Regional Offices, Maritime Group, Philippine Ports Authority at Philippine Coast Guard.

Sa pamamagitan ng NDD ay mapipigilan ang pagpasok ng ilegal na droga na karaniwang pinapalusot sa mga pier, bus terminal at airport.

(Photos by Joyce Fernan)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

PHL's largest private employer expands free COVID-19 vaccines to staff dependents

Fri Oct 22 , 2021
The Philippines’ largest private employer, Concentrix expanded its free COVID-19 vaccination to include the dependents of their own personnel last 21 October 2021. As a leading global provider of customer experience (CX) solutions and technology, Concentrix was among the first private companies in the country to announce its dedication to […]
%d bloggers like this: