Mayor Roque, pamumunuan ang Bulacan airport committee

Pamumunuan ni Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque bilang Co-Chairperson sa itinatag na Bulacan Airport Committee upang gumana ang takbo sa pag-unlad ang socio-economic development ng probinsya ng Bulacan kaugnay sa nalalapit na konstruksyon ng international airport project na itatayo sa 2,500-hectare coastal property sa bayan ng Bulakan.

Ang P735-billion project ng San Miguel Corporation sa ilalim ng konstruksyon ng San Miguel Aerocity Inc. ay sisimulan na bago matapos ang taong 2020.

Sa ginanap na pagpupulong na ipinatawag ni gobernador kasama ang ilang mga miyembro ng Bulacan Mayors League, pormal na itinalaga si  Roque upang pamunuan ang nasabing newly formed airport committee kung saan si Fernando ang overall chairperson.

Nabatid na unang ibinigay ang posisyon kay Mayor Joni Villanueva ng Bocaue ngunit nagkasakit ito at binawian ng buhay nitong nakaraang May 28 kaya isinalin ang pamumuno ngayon kay Mayor Roque.

Ayon kay Fernando, ang committee’s implementing body ay kinabibilangan ng mga selected local chief executives mula sa mga local municipalities at lungsod kabilang ang Pandi, Guiguinto, Bocaue, Bulakan, Obando, Sta Maria, Balagtas at Malolos City kung saan hahawak rin ang mga ito ng mga posisyon nasasakop ng nasabing komite.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.