Robin Padilla, nanguna sa partial official count ng NBOC

Share this information:

IPINALABAS na ng Commission on Elections na tumatayo ngayong National Board of Canvassers (NBOC) ang partial official results para sa mga kumakandidatong senador sa katatapos na May 9 national at local elections.

Batay sa Report No. 1 National Tally Sheet, binilang ang mga boto mula sa kabuuang 1,117,445 na rehistradong botante na may turnout na 83.64%.

Galing ang mga boto mula sa certificate of canvass sa Malabon City at sa mga lalawigan sa Cordillera Administrative Region kabilang ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province.

Kabilang sa nangungunang labing-dalawa sa senatorial race para sa official partial result ng botohan na nabilang na ng NBOC ay sina:

  1. Padilla – 612,684
  2. Tulfo – 521,381
  3. Legarda – 492,504
  4. Villar – 427,025
  5. Gatchalian – 424,797
  6. Escudero – 378,428
  7. Cayetano – 369,589
  8. Villanueva – 358,280
  9. Estrada – 336,498
  10. Ejercito – 332,936
  11. Zubiri – 319,858
  12. Binay – 284,124

Tuluy-tuloy ang canvassing ng NBOC ng mga COC na galing sa mga lalawigan, highly urbanized cities at absentee voting.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.