Road closure, rerouting, ipapatupad na ng MPD simula bukas para sa Pista ng Sto.Niño de Tondo

MAGPAPATUPAD na ang Manila Police District (MPD) ng road closure at rerouting scheme upang bigyang-daan ang Kapistahan ng Sto. Niño de Tondo sa Linggo.

Ayon kay Police Major Philipp Ines, chief ng Public Information Office (PIO) ng MPD, simula ala-12:01 ng madaling araw ng Enero 20, Sabado, ay isasara na ang mga sumusunod na kalsada:

– N. Zamora street mula Moriones Street hangang Chacon Street

– Sta. Maria Street mula Moriones Street hanggang Morga Street

-J. Nolasco Street mula Morga Street hanggang N. Zamora Street

-Morga Street mula J. Nolasco Street hanggang Juan Luna Street

– Ortega Street mula Asuncion Street hanggang Soliman Street

-Lakandula Street mula Asuncion Street hanggang Ilaya Street

-Ilaya Street mula Lakandula Street hanggang C.M. Recto Avenue

-Chacon Street mula N. Zamora Street hanggang Juan Luna Street

-Soliman Street mula Morga Street hanggang N. Zamora/Ortega Street

Ang mga motorista na patungong Tondo Church mula J. Nolasco Street ay pinapayuhan na kumanan sa Morga Street, diretso sa Tiazon Street at tuloy ng Wagas Street o kaliwa sa  Asuncion Street patungong  C. M. Recto hanggang sa kanilang destinasyon.

Ang lahat ng sasakyang manggagaling sa Pritil gamit ang N. Zamora Street ay dapat kumaliwa sa Moriones Street papunta sa Juan Luna Street patungo sa kanilang destinasyon.

Samantala, ang mga sasakyan mula sa C. M. Recto/Asuncion ay dapat kumaliwa sa kalye ng Lakandula papunta sa destinasyon.

Samantala, magdedeploy naman ng humigit-kumulang 800 na mga pulis ang MPD sa buong kapistahan ng Tondo upang mapanatiling maayos at payapa ang nasabing pagdiriwang ng Pista ng Sto. Niño de Tondo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.