Halos 600 na bayan at lungsod, nag-sumite na ng “signature forms” para sa People’s Initiative

INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na nakatanggap na ito ng mga signature form mula sa  halos 600 bayan at lungsod para sa People’s Initiative upang amyendahan ang 1987 Constitution.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, patuloy ang kanilang pagka-classify kung ang nasabing mga bayan at lungsod ay kabilang sa partikular na distrito o hindi.

Sinabi pa ng poll chair na ang mga local offices ng komisyon ay patuloy na tumatanggap ng signature forms.

Sinabi rin niya na inaayos pa ng kanilang main office sa Maynila kung saang mga legislative districts nanggaling ang mga bayan at lungsod na ito.

Nauna nang ipinaliwanag ni Garcia na sa mga signature page, tinanong ang mga botante kung pabor sila sa pag-amyenda sa Article 17, Section 1 ng 1987 Constitution sa pamamagitan ng pagpayag sa lahat ng miyembro ng Kongreso na magkatuwang na bumoto sa mga mungkahing constitutional amendments sa isang constituent assembly.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.