Retired teacher, patay sa sunog sa Albay

Share this information:

Nasawi ang 76-anyos na retiradong guro sa pampublikong paaralan nang masunog ang bahay ng kanyang pamilya sa bayan ng Oas, Albay province, madaling araw ng Huwebes.

Tinukoy ni Police Captain Dexter Panganiban, Albay police spokesperson, ang pagkakakilanlan ng biktima na si Pedro Daep Silerio Jr., ng Barangay Obaliw Riñas sa nasabing bayan.

Batay sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-tres ng madaling araw nang sumilab ang apoy mula sa silid ng biktima na nasa ground floor ng bahay sa likod ng garahe.

Pinainiwalaang nagmula ang apoy sa napabayaang sigarilyo.

Nabatid na natagpuan ng mga bumbero ang katawan ng biktima sa ilalim ng yero na posibleng bumagsak dahil sa sunog.

Natupok din ng apoy ang sasakyan ng biktima na nasa garahe.

Ang misis ni Silerio na si Emma, 75-anyos at kanilang anak na si Jonah Concepcion, 53, na natutulog sa hiwalay na kuwarto sa ikalawang palapag ay nagawang makatakas mula sa sunog.

Patuloy nang sinisiyasat ng mga awtoridad ang insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.