Residential area sa bahagi ng Central Market sa Maynila, nilamon ng apoy

Share this information:

NAGING abo na lamang ang ilang kabahayan nang lamunin ng malakas na apoy ang isang residential area sa may Central Market sa Sta. Cruz, Maynila.

Unang itinaas ang alarma ala una ng hapon ng Martes at dahil mabilis kumalat at lumaki ang apoy ay mabilis din itong iniakyat sa ikalimang alarma bandang ala 1:35 ng hapon.

Nangangahulugan ito na halos lahat ng bumbero o firetrucks ay kailangan nang rumesponde dahil sa laki ng apoy sa mga bahay na kapwa gawa lamang sa light materials o kahoy sa Fugoso St., Sta. Cruz, Maynila, na nasasakop ng Barangay 311.

Pasado alas 3 na ng hapon ng tuluyang maapula ang sunog na lalong pinasiklab dahil sa lakas ng hangin kaya naman karamihan sa mga residente ay walang naisalbang kahit na anong gamit.

Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala ng mga bahay at ari-arian na nilamon ng apoy.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.