Remulla, may paniwalang sangkot ang ilang mga tauhan ng BI sa pagtakas ni Alice Guo

MAY pagdududa si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na maaaring may ilang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang sangkot sa pagtakas o paglabas ng bansa ni dating Bamban Mayor Alice Guo.

Naniniwala si Remulla na meron talagang gumagawa nito sa immigration department tulad sa Pastillas Gang na nagpupuslit papasok at nagpupuslit din ng tao palabas ng bansa.

Hindi rin naniniwala si Remulla  na nag-bangka at nag-barko lamang si Guo dahil hindi ganun kadali na bumiyahe sa dagat.

Hindi pa rin ako naniniwala na nag-bangka sila at saka nag-barko…ano nagtutulog sila sa lambat? Nakahilata sila dun buong araw, tatlong araw, apat na araw? Hindi kapani-paniwala e… Hindi ganun kadali bumiyahe ng dagat at saka maraming pirata dyan sa South China Sea.”

 “Ang mga fishing vessels kapag bumiyahe yan convoy yan, hindi nag-iisang bumibiyahe kasi they protect each other –meron silang defense formations… nagdadala sila ng weapons. Isang fishing vessel lang babiyahe ng Zambales hanggang Sabah, para namang superman yun,” dagdag pa ni Remulla.

Tinuran nito na tinitingnan na ang lahat ng records ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga record ng paglipad ng mga eroplano kung merong chartered flights at kung merong mga chartered aviation flights na private planes.

Nang tanungin kung nabanggit na kay Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco ang kanyang suspetsa, sinabi ni Remulla na wala siyang balak na i-bring up ito sa kanya.

“Kasi, kaya ganun sagot ko kasi nung nangyari ito, hindi n’ya naman ako sinasabihan agad eh. Marahil alam niya na matagal na yan bago ko nalaman kaya hindi na kami nag-uusap. Hindi tama yung ganung klaseng asal, na hindi mo ipapaalam sa DOJ Secretary yung nangyayri sa opisina mo” sabi pa ni Remulla.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.