INIULAT ng Bureau of Immigration (BI) na naaresto ng mga awtoridad sa Indonesia si dismissed Bamban Mayor Alice Guo.
Sa isang ulat, sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na naaresto sa Tangerang City sa Jakarta, Indonesia si Guo noong Setyembre 4 dakong ala-1:30 ng madaling araw.
Si Guo ay kasalukuyang nasa kustodiya ngayon ng Indonesian Police sa Jayanras Mabes Polri.
“The information has been confirmed by our immigration counterparts in Indonesia, and we are very happy with this development,” sabi ni Tansingco.
“We have immediately forwarded the information to the Department of Justice and the Office of the Executive Secretary,” pahayag pa ni Tansingco.
Inaasahan naman nilang makakabalik si Guo sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.
Umaasa si Tansingco na ang pagbalik ni Guo sa Pilipinas ay magbibigay-linaw sa maraming katanungan tungkol sa illegal nitong pag-alis sa bansa, gayundin para harapin ang mga kaso na inihain laban sa kanya.

