Remdesivir at Tocilizumab, libreng iaalok ng Maynila sa mga nangangailangan

LIBRENG iaalok ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang mga gamot na Remdesivir at Tocilizumab sa mga nangangailangan nito, lalo sa mga residente ng lungsod..

Panawagan ni Manila Mayor Francisco Domagoso sa publiko na sakaling mangailangan ng gamot para sa kanilang mahal sa buhay na nakakaranas ng  “severe and critical conditions” ng COVID-19, ang naturang hamot ay maaaring makakuha sa lungsod ng libre.

Binanggit nito na parehong mahal ang presyo ng naturang mga gamot at mahirap bilhin ng mga walang kakayahang makabili nito para sa mga nangangailangan.

Para sa mahirap, middle class, mayaman, nasa public o private hospital, hangga’t kaya naming kayong abutin, kayo ay aabutin namin” ang sabi ng alkalde.

Dagdag pa nito na upang makakuha ng naturang mga gamot, kailangan lamang makipag-ugnayan lamang sa Manila Health Department at hanapin si Dr. Ed Santos. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.