Regional Training Center ng Phil Coast Guard, itatayo na sa Laoag City

MAKAKAPAGTAYO na ng Regional Training Center ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Laoag, Ilocos Norte.

Ayon sa PCG, ito ay matapos ang matagumpay na pirmahan ng Deed of Usufruct sa pagitan ng PCG District Northwestern Luzon at lokal na pamahalaan ng Laoag City.

Sa naturang seremonya, ipinahayag ni Laoag City Mayor Michael Marcos Keon ang kanyang pagsuporta sa konstruksyon ng PCG Regional Training Center sa 2.5 ektaryang lupa sa Barangay 32-B Lapaz.

Ayon kay PCG District Northwestern Luzon Commander, CG Commodore Philipps Soria, pagtatayuan din ito ng Coast Guard Sub-Station Laoag. 

Dagdag pa ni Soria, ang naturang pasilidad ay makakatulong sa paghubog ng mas kompetitibo na coast guardians na magpapatupad ng PCG functions sa Ilocos Norte, partikular sa Laoag City.  

Mahalaga din aniya ang presensya ng PCG sa naturang lugar, lalo na sa pagsusulong ng maritime safety, maritime security, at pagpapalago ng tourism industry sa lugar.

(PHOTO CREDIT: Philippine Coast Guard)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.