Breaking News

Share this information:

NAGTAYO ang Philippine Red Cross (PRC) ng isang medical tent na matatagpuan sa Benguet General Hospital.

Ito ay magsisilbing extension ward ng nasabing ospital, bilang tugon na rin sa kahilingan ng local government unit (LGU) dahil sa dumaraming admission sa  ospital.

Ayon sa PRC, mayroong 10 bed capacity ang bagong air–conditioned medical tent para sa mga mild to moderate na kaso ng COVID-19.

Nagtayo rin ang PRC Benguet Chapter ng portalet upang magbigay ng access sa wastong kalinisan.

Katuwang ng PRC sa inisyatibong ito ang International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies (IFRC).

Ang Red Cross ay isa sa nangunguna pagdating sa COVID-19 response, dahil sa kakulangan ng facilities ay kaagad na natin ipinatayo ang medical tent sa Benguet General Hospital para makapagbigay tulong sa mga taong may kailangan na facilities upang sila ay kaagad na gumaling,” ang pahayag ni PRC Chairman Sen. Dick Gordon.

Sa kasalukuyan ay nakapagtayo na ang PRC ng 70 medical tents na nagbigay tulong sa 32 mga ospital at nagsilbi sa mahigit 34,686 na pasyente na apektado ng COVID-19, at patuloy pa ding nagbibigay tulong lalo na sa mga nangangailangan ngayong pandemya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: