Radyo EduAKSYON sa Samal, Bataan, sinimulan

Sinimulan na noong Lunes, Abril 5, 2021, ang pagsasa-himpapawid ng Radyo EduAKSYON sa bayan ng Samal, Bataan, isang plataporma na ginamit sa sistema ng pagtuturo sa bayan at sa mga mag-aaral nito

Hatid sa atin ng TEAM: Tuloy ang Edukasyon ng may Aksyon at Malasakit, narito po ang schedule ng Radyo EduAKSYON mula sa Kagawaran ng Edukasyon ng Bayan Samal sa pangunguna ng ating District Supervisor – Ma’am Jeolfa Reyes,” pahayag ni Samal Mayor Aida Macalinao.

Ayon kay Mayor Macalinao, apat na frequencies sa FM Band ang kanilang gagamitin katuwang ang Departnent of Education (DepEd_. Ito ay ang 91.1FM (Radyo EduAksyon ng Hilaga) ; 104.7FM (Radyo EduAksyon ng Timog); 96.7FM (Radyo EduAksyon ng Kanluran) at 93.5FM bilang Radyo EdukAskyon ng Junior High School. 

Ang naturang sistema ng pagtuturo ay tugon ng bayan ng Samal upang maipatupad ang “new normal” na istratehiya sa pagtuturo bilang tugon sa banta ng COVID-19.

Ayon pa kay “Yorme Aida” ang “new normal” na pagtuturo gaya ng blended teaching-learning gamit ang internet, modules, radyo o telebisyon, ay mabisang istratehiya upang maipagpatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral.

Para sa karagdagang impormasyon at iskedyul sa mga nabanggit na radio-based teaching ay isang Facebook Page din ang sinimulan, ang “DepEd Samal Radio-Based Instruction” sa pamamagitan ng link na ito, https://www.facebook.com/Deped-Samal-Radio-Based-Instruction-104214148445447/.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.