Libreng Sakay para sa HCWs at APOR simula bukas, April 7

Magpapatupad ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng programang Libreng Sakay para sa mga Healthcare Workers (HCW) at Authorized Persons Outside of their Residences (APOR) gamit ang mga Public Utility Buses (PUBs) sa ruta ng EDSA Busway (Route E).

ito ay ang tugon ng ahensiya sa direktiba na ibinaba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na magbigay ng karagdagang tulong sa mga HCWs at APOR ngayong panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR Plus Bubble area (Metro Manila, Cavite, Bulacan, Rizal at Laguna).

Upang magamit ang Libreng Sakay, ipapakita lamang ng HCW o APOR ang kanyang ID na ginagamit sa pinagtatrabahuhang ospital o kumpanya. Ang libreng sakay ay bukas ng 24 oras, araw-araw.

Maliban sa mga libreng sakay ng mga pampasaherong bus ngayong ECQ, patuloy pa rin ang mga jeepney sa pagbibigay ng libreng sakay sa mga APOR sa 50 ruta sa National Capital Region (NCR) at iba pang karatig na rehiyon.

I-click lamang ang link na ito para sa mga ruta: bit.ly/50RoutesFreeRidesAPOR.

Inaanyayahan din ang mga pasahero na mag-download ng Sakay.ph sa App store o Google Play o maaari din sa link na ito: https://get.sakay.ph/sendfeedback. Ito ay magagamit upang makita ng live o real-time ang mga sasakyang nasa ilalim ng Service Contracting Program.

Bukod pa rito, maaaring magbigay ng 1-5 rating at feedback upang malaman ng ahensya mula sa mga pasahero ang kanilang karanasan sa pagsakay at upang makapag-bigay ng ratings sa drayber dahil dito rin sila matutulungan na makatanggap ng karagdagan pang insentibo mula sa programa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.