Pumalo sa 3,749 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Share this information:

Umabot ngayon sa 3,749 ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19  kaya’t umakyat na sa 607,048 ang kabuuang kaso sa bansa.

Ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala ngayong araw ay ang pinakamataas nang naitala sa nagdaang ilang mga buwan.

Tumaas din naman ang naitalang bagong recoveries na nasa 406 kung saan umakyat na sa 546,671 ang gumagaling sa sakit, habang 63 naman ang mga nadagdag sa mga pumanaw kaya umakyat na din ang bilang ng mga namamatay sa sakit sa 12,608.

Ang aktibong kaso naman ay pumalo na rin sa 47,769.

Sa pagtaas ng kaso araw-araw, nauna nang sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi lamang ang mga variant  ang dahilan ng pasirit nito kundi ang hindi pagsunod ng publiko  sa wastong  minimum public health standards at heath protocol.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Hard GCQ, dapat ipatupad -- OCTA Research Team

Thu Mar 11 , 2021
INIREKOMENDA ng Octa Research Team na magpatupad na ang pamahalaan ng “Hard GCQ” o General Community Quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.  Ayon kay Prof. Ranjit Rye, sa ngayon ay nasa 1.5 na ang Reproduction Rate sa Metro Manila. Ibig sabihin nito ang isang may COVID-19 ay makakahawa ng […]

Follow Us

%d bloggers like this: