Pulis todas sa ambush

Share this information:

PATAY ang isang 37 taong gulang na pulis matapos itong pagbabarilin ng hindi pa matukoy na mga salarin sa Palo, Leyte.

Nakilala ang biktima na si Police Master Sergeant Jay Paul Culas, nakatalaga sa Leyte Provincial Police Office (LPPO), na namatay noon din sa lugar ng pananambang sa Barangay Arado.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng Palo Municipal Police station, naganap ang insidente pasado alas 8 ng umaga ng Miyerkules habang ang biktima ay papasok sa kanyang duty sakay sa kanyang motorsiklo.

Hindi batid ng biktima na dalawang lalaki na armado ang magka-angkas sa motorsiklo at nakabuntot sa kanya at maya maya pa ay sunod sunod na pinaputukan na ito sa bahagi ng National highway sa nasabing barangay.

Hindi pa malaman sa imbestigasyon ng pulisya kung ano ang motibo sa pamamaslang sa pulis habang patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Passion and perfection: My learnings on leadership

Thu Feb 11 , 2021
I started working when I was fourteen, and I have always worked since. My father, who used to be a manager in a major airline, taught me the importance of hard work and the value of money at an early age. He and my mother were my earliest career mentors. […]

Follow Us

%d bloggers like this: