Pulis, security aide ng vice mayor sa Abra, nagka-engkwentro; isa patay

crime scene do not cross

ISA sa mga security personnel ni Pilar, Abra Vice Mayor Jaja Josefina Disono ang napatay kasunod ng umano’y engkuwentro sa mga pulis sa Barangay Poblacion ng nasabing bayan.

Ayon kay Vice Mayor Disono, pauwi na sana ito mula sa munisipyo nang mangyari ang insidente ng pamamaril.

May kausap lang ako. Tapos po sinabi ng empleyado na ‘yung tatay noong kalaban ng kapatid ko na incumbent mayor pumunta sa pulis. Tapos, mamaya may checkpoint,” saad ni Disono.

Sinabi pa nito na pinigil sila sa checkpoint pero pinaalis din ngunit hinarang at sinabihan ang kanyang mga tauhan na nasa kabilang sasakyan na bumaba.

Siguro natakot, e sumunod na sa amin. Binakbakan na ‘yung kasama namin, ‘yung sa likod. May namatay po kaming kasama,” dagdag nito.

Batay naman sa paunang ulat ng pulisya, nangyari ang umano’y engkuwentro dakong alas-10:30 ng umaga nang lagpasan ng Toyota Hiace ang checkpoint sa kabila ng pagpigil sa kanila.

Binangga din umano ng sasakyan ang dalawang tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 15 na nagsisilbing rear security sa checkpoint at nang habulin ang humarurot umanong Toyota Hiace ay nagpaputok ang mga sakay nito sa pulisya.

Hot pursuit operation ensued, wherein the motor vehicle fled towards the compound/residence of Vice Mayor Jaja Josefina Disono,” ayon sa ulat.

Iginiit naman ni Police Regional Office Cordillera (PROCOR) chief Police Brigadier General Ronald Lee na hindi ambush ang nangyari.

Hindi ambush. VM and her armed civilian escorts ignored the PNP checkpoint at sinagasaan ang dalawang pulis natin at pinuputukan ng mga armed goons ni VM kaya nagkahabulan,” ayon kay Lee.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.