Breaking News

Share this information:

TODAS ang isa na namang miyembro ng Philippine National Police (PNP) makaraang tambangan sa Barangay Cristo Rey, Capas sa Tarlac.

Ayon sa Tarlac Police, naganap ang pananambang dakong alas-6:40 ng Martes ng umaga kay Police Staff Sergeant Michael Maun, nakatalaga sa PNP Aviation Group na nakabase sa Clark Field, Pampanga.

Batay sa kuha ng CCTV sa lugar, lulan si Maun ng kanyang kotse at pauwi na sana nang dikitan at harangan ng itim na Toyota Altis at agad na bumaba ang dalawang lalaking suspek.

Pinaulanan ng bala ng baril ng mga suspek ang harapan ng kotse ni Maun bago mabilis na tumakas patungong direksyon ng Concepcion, Tarlac. Kalaunan ay natagpuang abandonado ang sasakyan na ginamit ng mga suspek sa Sitio Baloyy, Barangay Arangonen, Capas, Tarlac.

Bagamat naisugod sa Ospital ng Capas si Maun ay hindi na ito umabot ng buhay. Iniutos na ni Police Regional Office 3 Regional Director Gen. Valeriano De Leon ang malalim na imbestigasyon sa insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: