SAMAL, Bataan – PATAY ang isang pulis sa naganap na pamamaril sa bahagi ng Adamson Gugo, Samal, Bataan, Miyerkules ng umaga.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay anak ng isang retiradong police official na nakilalang si Police Cpl. Frederick Oconer, at dalawang linggo pa lamang umano na nakadestino sa Balanga City Police Station.
Binaril ang biktima habang lulan ng kanyang motorsiklo ng mga hindi nakilalang suspek.
Sa ngayon ay inaalam pa ang motibo sa pamamaslang.

