Pulis na naturukan ng Sinovac, pumanaw

Share this information:

EXCLUSIVE

PATAY ang isang 47 taong gulang na pulis matapos itong maturukan ng bakuna kontra COVID-19 na Sinovac.

Batay sa nakalap na impormasyon, natukoy lamang ang pagkakilanlan ng nasawing pulis na si Police Staff Sergeant Evangelista, taga Bulacan at nakatalaga sa Manila Police District (MPD).

Napag alaman na si Evangelista ay nagpabakuna ng Sinovac nitong Marso 31 subalit namatay ito kahapon, Abril 9, 2021, siyam na araw makalipas siyang maturukan ng Sinovac.

Sinasabing bago nasawi ang pulis ay nakakaramdam umano siya ng panghihina ng katawan at hirap sa paghinga.

Lumalabas sa autopsy report ni Evangelista na “Pneumonia” ang dahilan ng pagkasawi nito. Hindi naman malinaw kung siya ay nagpositibo o hindi sa virus bago ito nagpabakuna ng Sinovac.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Subic gym closed down for violating health safety protocols

Sat Apr 10 , 2021
SUBIC BAY FREEPORT — A popular gym and fitness center here was temporarily closed down by the Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) early this week for violation of health protocols against the spread of the new coronavirus disease (Covid-19). SBMA Deputy Administrator for Health and Safety Ronnie Yambao said the […]

Follow Us

%d bloggers like this: