SUMUKO na sa Manila Police District (MPD) Homicide Section ang pulis-Maynila na nakabaril sa nakaalitan nito habang nakikipag-inuman sa Tondo, sa lungsod.
Si Police Corporal Norman Alvin Santos ay sumuko kay MPD Homicide Chief Police Captain Henry Navarro dakong 1:30 ng hapon.
Ayon kay Navarro, kinausap nila ang kamag anak ni Santos na mas makakabuti kung susuko na lang ang suspek.
Nabatid na nabaril at napatay ni Santos ang biktimang si Joseph Marga matapos magtalo dahil pinapaalis umano ng biktima ang nakaparadang motorsiklo ng suspek sa tapat ng kanilang bahay.
Gayunman, matapos ang pagtatalo ay bumalik umano ang biktima at may mga kasama ng lalaki upang resbakan ang pulis at duon na umano binaril ng suspek ang biktima.