WALANG kawala sa mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang pugante mula sa South Korea na wanted ng mga awtoridad sa Seoul dahil sa pandaraya sa kanyang kababayan limang taon na ang nakakaraan.
Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang pugante na si Kim Dong Woo, 49, na inaresto sa Las Pinas City ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI.
Dagdag pa ni Morente, pauuwiin na si Choi sa Korea upang harapin ang kanyang mga kaso matapos lumabas ang summary deportation order na inisyu ng BI Board of Commissioners.
“His name has been placed in our immigration blacklist, hence any future attempts to re-enter the country will be barred,” ayon pa sa BI chief.
Ayon naman kay BI FSU Chief Bobby Raquepo, si Kim ay maituturing nang isang undocumented alien kaya binawi na ng South Korean government ang kanyang pasaporte.
Sa record, si Kim ay matagal nang pinaghahanap ng kanilang gobyerno matapos itong lumipad patungong Pilipinas noong 2018 upang takasan ang mga kaso na isinampa laban sa kanya.
“The Bureau recently received information about his crimes and was informed that his passport is no longer valid, hence the Commissioner issued a Mission Order for his arrest so he may be sent back to his home to be prosecuted,” ayon kay Raquepo.
Base sa BI Interpol database lumalabas na noong 2015, inengganyo ni Kim ang isa sa kanyang kababayan na pahiramin siya ng 65 million won, o halos US$58,000 para sa kayang ilegal na negosyo at pinangakuan ito na babayaran siya na may kasamang 20 percent interest. Gayunman, napako ang kanyang pangako at tumakbo ito patungong Pilipinas nang nalaman niya na kinasuhan siya.
Ang Korean national ay pansamantalang nasa kustodiya ng BI detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City .

