Publiko, binalaan na mag-ingat laban sa mga “romance scam”

BINALAAN ng mga ahensiya ng gobyerno, kasama ang Australian Federal Police (AFP), ang publiko laban sa mga kriminal na gumagamit ng mga online scam.

Kasama ang AFP, nagbigay-babala ang National Anti-Scam Center, Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), at National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa lumalawak na online scam na umaabuso sa emosyon at tiwala ng mga biktima.

Ginawa ang babala kasunod ng natuklasan ng mga awtoridad na modus na kung tawagin ay “Romance Scam.”

Ginagamit umano ng mga  cybercriminal sa Pilipinas ang isang script upang manipulahin at nakawan ng pera ang mga biktima, kabilang ang mga Australyano, sa pamamagitan ng online dating app.

Bahagi ng Operation Firestorm ang operasyong ito na isang pandaigdigang kampanya laban sa  cybercrime na pinangungunahan ng AFP katuwang ang PAOCC at NBI.

Nauna nang sinalakay ng mga awtoridad ang isang scam compound sa Pasay City, kung saan natukoy na mahigit 5,000 Australyano ang posibleng target ng naturang modus.

Muli namang hinimok ng AFP at Joint Policing Cybercrime Coordination Center ang publiko na mag-ingat sa pakikipagrelasyon online. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.